Legal basis of a rest day

Every call center, may have at some instance, been greatly disadvantaged by a supposed day off. Ideally, a worker should not be in the office for not less than 24 hours for it to be considered a rest day. But because of the nature of our job, where we work in shifting and uncertain schedule, we might have deprived of our rest day.I found an article this afternoon at People’s Tonight tabloid. It explains the legal basis of our rest day.

 

Nagrereklamo ang isang call-center agent
ITO ANG BATASwith Atty. AGA

DEAR Atty. AGA,

Isa po akong call-center agent na ang trabaho ay sa gabi. Ano po ang isinasaad ng ating batas kung ilang oras ang kinakailangan upang masabi na iyon ay isang restday/dayoff?

Mangyari po kasi ay tuwing nagpapalit ng schedule ang aming kumpanya kada linggo, nawawalan po kami ng da-yoff. Halimbawang ang schedule mo ay Lunes ng gabi, 11:45 p.m.-8:45 a.m. (Martes na), ang susunod na pasok ay alas-dose ng gabi, Miyerkules. Sinasabi po nila na dahil hindi ka nila pinapasok ng Martes, iyon na raw po ang aking day-off, samantalang 15 minuto lamang naman ang diperensiya.Legal po ba ito? Hindi po ba dapat ay 24 oras kang wala sa opisina para masabing day-off?

Lubos na gumagalang,
Joseph

Ayon sa ating Batas o Labor Code as amended, ito ang nasasaad:“ART. 91. Right to weekly rest day. (a) It shall be the duty of every employer, whether operating for profit or not, to provide each of his employees a rest period of not less than twenty-four (24) consecutive hours after every six (6) consecutive normal work days.”

Nangangahulugan na bawat empleyado ay entitled sa rest day na equivalent sa isang araw kada linggo or 24 oras. Sa paggamit ng salitang “shall” sa Article 91, nangangahulugan din ito na ang naturang batas ukol sa pagbibigay ng at least 24 hours na rest day sa isang employado ay “mandatory”. Dahil ito ay mandatory, ito ay kailangan gawin o ibigay ng isang tao o sa kaso mo, ng isang employer.

Hindi rin namimili ang ating batas kung kanino at anong klaseng empleyado puwede ipagkaloob ito. Kahit sinong empleyado ay dapat may isang araw na rest day sa loob ng isang lingo na hindi na bababa ng 24 oras.

Ngayong alam na natin ito, masasabi na natin na hindi legal ang ganoong “scenario” sa inyong opisina sa tuwing magpapalit ng schedule ang inyong kumpanya. Dapat ay meron kang 24 oras na pahinga pagkatapos ng “shift” mo sa ika-anim (6th) na araw kada lingo. Ayon sa ’yo, simula 8:45 a.m. pagkatapos ng shift mo hanggang 12 a.m. ng hatinggabi ay mas mababa sa 24 oras na nakasaad sa ating Labor Code.Samakatuwid, hindi ka nabibigyan ng sapat na oras ng pahinga na ginagarantiya ng ating batas sa bawat manggagawa.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong magsadya o sumulat sa aming tanggapan sa DZXL RMN MANILA sa Guadalupe Complex, 4th Floor, Guadalupe, EDSA, Makati City. Patuloy din tayong makinig sa ating radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6-7:30 p.m., DZXL RMN Manila sa 558 khz. Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS! Puwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net o mag-text sa cell phone number (0918) 904-6867.)

9 Comments so far »

  1. ghen said

    am January 28 2009 @ 4:45 pm

    dear atty. aga

    hi and gudday po sa inyo..nais ko lng po mgatanong ukl sa aking sitwasyon kc po d ko n po alam ang gagawin ko.isa po akong nabiktima ng maling love life..my aswa po ako ngayon at my dalawa n kming anak sa kasalukuyan. atty. ano po bang dapat kong gawin?/kc po ung ngig aswa ko ay may dti ng asawa at my 4 silang anak.nung mgkakilala o kmi ay d nya inamin skin n my pamilya n cya nlaman ko lng po un buntis nko sa pnganay nmen mga 3 momnths npo ung tyan ko nun,at nung tym po n un ng makilala ko xa ay my dati ndn cyang kinsama bgo po ako..in short po mtgal n po silang ngkkalabuan ng unang asawa nya.kasal po sila ,,nging kumplikado po ang lahat..at ung asawa po nya dati ay sumama at nagkaanak sa ibang llaki..anopo b ang karaptan nam ng mga ana ko sknya??at tama po b ung gngwa ng pamilya nb aswa ko n ineentertain pdn ila ung bbae kht my iba n itong kinkasama??my tymp po n pinapupunta nila ung bbae sknila kahit nadon po ako..

  2. ghen said

    am January 28 2009 @ 4:56 pm

    atty.aga, ttanog ko din po kg pwede po b kming mgreklamo ng asaw ko sa gngwa nila skin??at ano ong pwde nmin ikaso sknya sa mga paninira nya skin n pokpok daw ako binubogbog ko daw mga anak nya pgngppnta smin..at nung nabuntis po sya sa ibang llaki cnsai nya po n anak daw un ng aswa ko,nggagawa po cya ng kwento sa pmilya ng aswa ko par po craan ung aswa ko sa pmilya nya..
    atty.sanapo ay matugunan ninyo ang aking mga katanungan hirap n hirap npo ang kaloban ko sa gngwa nila skin..atnaawa dn po kc ao sa aswa ko kahit lam kong ngkamali dn sya..
    lubos n gumagalang
    ghen ng olongapo city

  3. ANDY said

    am January 28 2009 @ 5:02 pm

    dear atty

    mgandang araw po sa inyo ttanong ko ln g po kng dapat ko po bang hindi n bgyan ng pinansyal ang aking aswa dahil po ngkaanak n ito sa ibang aki kahit po my anak dn kmi?? ang skin po kic ay,bka gmitin lng ito ng knyang kinksama at g knilng anak?/
    ano po b ang mari Kong gawin sa sitwasyong ito mtulungan po sana nyo ako..

    gumagalang.
    andy

  4. aida casaba said

    am January 29 2009 @ 10:28 am

    no comments

  5. fauline lim said

    am January 29 2009 @ 10:36 am

    magandang araw po atty. puede ba kami magtanong ukol sa aming situasyon, dahil po mayrong po kaming lupa na natitira pero sa totoo eguin prenda po ng aming nanay sapagkat namatay po ang aming tatay.
    sa katunayan po, ang naprindahan ay gusto na posisyonan na wala naman kami quit claim na pinayagan namin na ecolateral ang kanilang conjugal property ng aming kamag anak.
    ano po ba ang dapat namin gawin? valid ang kanilang kontrata? saan naman ang amin share bilang isang legitimate heirs?
    salamat po sa iyong tolong! GOD BLESS1

  6. lian yong said

    am May 12 2009 @ 9:16 pm

    12yrs n po akong widow, may 2 anak n la2ke, 22yrs old ung oldest at 21 nmn po ung yongest. ang problema ko po ay un lupang ma2nahin ng yumao kong asawa n 1hec pinangakong ibigay s mga anak ko hanggang ngayon po ay d p ibinibgay s amin ung titulo. dati pong cnasaka ng bayaw ko pero wl nman pong binibgay n parte nmin. at ung buhay p po ung asawa ko pnangako ng father inlaws ko n 3(including my husband) clang maghati hati sa bhay at lupa pro ang nangyri po ung nmtay n ung inlaws ko npunta sa ibang kptid ng yumao
    kong asawa.atty ano po ang dpt nmin gawin ng mga anak ko

    gumagalang
    lian

  7. Eduviges Faigal vda de Murrell said

    am August 17 2009 @ 2:20 pm

    Agosto 17, 2009

    Kagg. Atty. Aga:

    Ako po si Mrs. Eduviges Faigal vda. De Murrel 71 years old, nakatira sa No.1 Zulueta Subd., Brgy. Cawayang Bugtong, Guimba, Nueva Ecija 3115, may apat na anak nagpapadala ng panggastos ko buwan-buwan galing abroad, nagtatabi ako ng sobra sa panggastos para sa kung sakali ano ang mangyari sa akin ako ay mayroong panggastos, pag ako nag-Now I am, Tomorrow will You.

    Ito po and problema Atty. Aga, Kinumbinsi ako ni Herminio F. Bernal, na nagtratrabaho sa PNOC bilang Security Guard at Driver na kami ay magpautang ng pera sa mga kasamahan niya sa trabaho at ako ay nagbigay ng halagang Limang pung libong piso (P 50, 000.00 ) na dapat ay limang porsiyento (5%) ang interes bawat buwan, tatlong porsyento (3%) ang sa akin at dalawang porsyento (2%) ang sa kanya, sa loob ng dalawang taon (2), sa katunayan mayroon kaming pinirmahang kasunduan nakalipas ang isang (1) taon, nagbigay siya ng limang libong piso (P5,000.00) noong Enero 1, 2008 at sampung libong piso (P10, 000.00) noong Marso 9, 2008. Pero mula noon hanggang ngayon wala na siyang naibigay. Lumagpas na nag taning. Tuwing tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot and cellphone niya, puwede ko bang siyang ireklamo o idemanda?

    Ito po and aking Tel. no. 0446117259
    Celphone Number: 0917-2084-136
    Postal ID Card number: 340-7904
    Senior ID Card Number: 1498

    Libos na gumagalang,

    Gng. Eduviges Faigal vda de Murrel

  8. Teresito B. Base said

    am October 26 2009 @ 1:47 pm

    Dear Atty. Aga,
    Magandang araw po Atty. Sana po ay hindi ko magambala ang inyong mahalagang sandali(precious moments).
    Atty., kailangan ko po ang inyong opinyon o advice. Kung inyo pong mamarapatin. Bagama’t ito’y isang malaking kahihiyan sa aking katauhan, akin pa rin pong idinulog sa inyo kung ano ang nararapat kong gawin.
    Ako po ay nahulihan ng jumper sa ginagamit kong kuryente(electric service). Palibhasa po dito ako nakatira sa komunidad na halos lahat na bahay ay may jumper. Matagal na akong kinukumbinsi ng mga taong gumagawa ng jumper at may nag aahente po. Sa umpisa ay ayaw ko ngunit sa ka kukulit sa akin ay pumayag na rin ako at ang sabi po ay karantso natin ang area inspector ng Meralco. Noong mmga una’y medyo maluwag ang Meralco.
    Naka ilan taon ko rin nagamit. Hangang sa isang araw ay nagkakahulihan na. May ilan sa kapitbahay ko ang mga nahuli na. Sa malaki kong pagkakamali ay hindi ko agad na ipa alis ang jumper at ito nga ako na ang sumunod sa nguso na rin ng una kong kapitbahay na nahuli. Syempre po, I had to admit and face the consequence. Ang kwentadong binigay sa akin bilang multa ay P 400.000_+.
    Ako po pala ay senior citizen na, wala ng trabaho, na stroke ang aking asawa noong nakaraang taon medyo malaki laki rin po ang maintenance na gamot. At isa pang masakit po, dati po akong OFW nagtayo ng negosyo na RTW, hindi nag prosper. Talo pati na ang na ipagawa kong up and down na bahay ay nabenta pa rin sa pag aakalang makabawi, bigo pa rin.
    “Ito po ang HIHINGIN kong opinyon sa inyo na kung tama ba kaya na sabihin kong pakibabaan naman kasi bawat billing naman sa kada buwan ay binabawasan ng system loss. At kung pwede po na ang ipangbayad ko ay kaunting pension ko sa SSS. Kaya ko po hinihingi ang opinyon sa inyo, kasi po baka lalong magalit sa sa sasabihin kong ito, lalo na ang system loss.
    Ang inyo pong response ay email ko kay kay Ms. Lomotan ang service identification number at iba pang detalye sa kanyang website. Agad ko pong inutos na email ang mensaheng iyon. Lumipas ang ilan buwan na wala akong natatangap na balita ukol sa kaso ko kaya lubos ang aking pasasalamat dahil dininig ni LORD ang aking hinaing.
    Noong isang linggo nagulat na lamang ako na dinatnan uli ako ng Demand Letter. Pinatignan ko sa internet kung ano ang nangyari sa email, ang lumitaw relay access denied.
    Wala po akong mahingian ng tulong kaya inalis ko na ang aking hiya at lakas na loob na muling kong ipinapaabot ito sa iyo Atty.
    Atty. Aga, ngaun po ay nadagdagan pa lalo ang problema ko na mas mabigat. Inatakeng muli ang asawa ko at medyo natagalan sa ospital hangang sa hindi na nakarecover at kinuha na rin ni LORD nitong june 2009. Dahil dito nagkapatong patong na po ang aking problemang financial.
    Maraming Salamat, Atty. Nawa’y lumawig pa ang inyong programa at pahabain pa ni LORD ang inyong buhay para marami pa kayong matulungan.
    Ang gamit ko pong pangalan ay Edwin Saluta, dahil hindi ko pa na ipalipat sa pangalan ko. At ang service identification number 245648101.
    Thank you very much and GOD Bless you always.Advance Merry Christmas and a Properous New Year!!!

    Nagpapasalamat at Umaasa,
    Chito Base

  9. ter said

    am November 12 2009 @ 3:19 pm

    gud day sir, gusto ko lng po sana mag inquire sir kng wat shall we do about our problem., my sinasaka po kmi na almost maybe 60years na ung lupa sa amin, ngaun the owner of that lot wants to sell it, pero ung bi2li nung lupa e gusto kmi paalisin dun sa sinasaka namin.they said that until end of this year na lng daw naming pd taniman ung lupa, and ung naharvest naming palay ngaun e hndi na rw kmi magbi2gay ng share sa may ari..(kc ung may ari nung lupa e magkakilala cla nung bibili).now un po ang prob namin, basta2 na lng po ba kmi mapapaalis sa sinasaka namin?and anu po ung way nung bibili para makuha nya sa amin ung lupa?ung right process po nya sir?i heard something about na pagkukunin nung may ari ung lupa e kelngan daw nyang bayaran ng separation pay ung tenant?tama po ba?and anu po ung tamang computation kng skli mang babayaran nga ng separation pay?wat if ayaw po tlga naming ibgay ung lupa?maku2ha pa rin po ba nila sa
    amin?
    thank you po sir kng mapapayuhan nyo po kmi kng anu ang dpt naming gawin..salamat po ulit..

Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment:

Comment moderation is enabled. Your comment may take some time to appear.