Legal basis of a rest day

Every call center, may have at some instance, been greatly disadvantaged by a supposed day off. Ideally, a worker should not be in the office for not less than 24 hours for it to be considered a rest day. But because of the nature of our job, where we work in shifting and uncertain schedule, we might have deprived of our rest day.I found an article this afternoon at People’s Tonight tabloid. It explains the legal basis of our rest day.

 

Nagrereklamo ang isang call-center agent
ITO ANG BATASwith Atty. AGA

DEAR Atty. AGA,

Isa po akong call-center agent na ang trabaho ay sa gabi. Ano po ang isinasaad ng ating batas kung ilang oras ang kinakailangan upang masabi na iyon ay isang restday/dayoff?

Mangyari po kasi ay tuwing nagpapalit ng schedule ang aming kumpanya kada linggo, nawawalan po kami ng da-yoff. Halimbawang ang schedule mo ay Lunes ng gabi, 11:45 p.m.-8:45 a.m. (Martes na), ang susunod na pasok ay alas-dose ng gabi, Miyerkules. Sinasabi po nila na dahil hindi ka nila pinapasok ng Martes, iyon na raw po ang aking day-off, samantalang 15 minuto lamang naman ang diperensiya.Legal po ba ito? Hindi po ba dapat ay 24 oras kang wala sa opisina para masabing day-off?

Lubos na gumagalang,
Joseph

Ayon sa ating Batas o Labor Code as amended, ito ang nasasaad:“ART. 91. Right to weekly rest day. (a) It shall be the duty of every employer, whether operating for profit or not, to provide each of his employees a rest period of not less than twenty-four (24) consecutive hours after every six (6) consecutive normal work days.”

Nangangahulugan na bawat empleyado ay entitled sa rest day na equivalent sa isang araw kada linggo or 24 oras. Sa paggamit ng salitang “shall” sa Article 91, nangangahulugan din ito na ang naturang batas ukol sa pagbibigay ng at least 24 hours na rest day sa isang employado ay “mandatory”. Dahil ito ay mandatory, ito ay kailangan gawin o ibigay ng isang tao o sa kaso mo, ng isang employer.

Hindi rin namimili ang ating batas kung kanino at anong klaseng empleyado puwede ipagkaloob ito. Kahit sinong empleyado ay dapat may isang araw na rest day sa loob ng isang lingo na hindi na bababa ng 24 oras.

Ngayong alam na natin ito, masasabi na natin na hindi legal ang ganoong “scenario” sa inyong opisina sa tuwing magpapalit ng schedule ang inyong kumpanya. Dapat ay meron kang 24 oras na pahinga pagkatapos ng “shift” mo sa ika-anim (6th) na araw kada lingo. Ayon sa ’yo, simula 8:45 a.m. pagkatapos ng shift mo hanggang 12 a.m. ng hatinggabi ay mas mababa sa 24 oras na nakasaad sa ating Labor Code.Samakatuwid, hindi ka nabibigyan ng sapat na oras ng pahinga na ginagarantiya ng ating batas sa bawat manggagawa.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong magsadya o sumulat sa aming tanggapan sa DZXL RMN MANILA sa Guadalupe Complex, 4th Floor, Guadalupe, EDSA, Makati City. Patuloy din tayong makinig sa ating radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6-7:30 p.m., DZXL RMN Manila sa 558 khz. Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS! Puwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net o mag-text sa cell phone number (0918) 904-6867.)

6 Comments so far »

  1. ghen said

    am January 28 2009 @ 4:45 pm

    dear atty. aga

    hi and gudday po sa inyo..nais ko lng po mgatanong ukl sa aking sitwasyon kc po d ko n po alam ang gagawin ko.isa po akong nabiktima ng maling love life..my aswa po ako ngayon at my dalawa n kming anak sa kasalukuyan. atty. ano po bang dapat kong gawin?/kc po ung ngig aswa ko ay may dti ng asawa at my 4 silang anak.nung mgkakilala o kmi ay d nya inamin skin n my pamilya n cya nlaman ko lng po un buntis nko sa pnganay nmen mga 3 momnths npo ung tyan ko nun,at nung tym po n un ng makilala ko xa ay my dati ndn cyang kinsama bgo po ako..in short po mtgal n po silang ngkkalabuan ng unang asawa nya.kasal po sila ,,nging kumplikado po ang lahat..at ung asawa po nya dati ay sumama at nagkaanak sa ibang llaki..anopo b ang karaptan nam ng mga ana ko sknya??at tama po b ung gngwa ng pamilya nb aswa ko n ineentertain pdn ila ung bbae kht my iba n itong kinkasama??my tymp po n pinapupunta nila ung bbae sknila kahit nadon po ako..

  2. ghen said

    am January 28 2009 @ 4:56 pm

    atty.aga, ttanog ko din po kg pwede po b kming mgreklamo ng asaw ko sa gngwa nila skin??at ano ong pwde nmin ikaso sknya sa mga paninira nya skin n pokpok daw ako binubogbog ko daw mga anak nya pgngppnta smin..at nung nabuntis po sya sa ibang llaki cnsai nya po n anak daw un ng aswa ko,nggagawa po cya ng kwento sa pmilya ng aswa ko par po craan ung aswa ko sa pmilya nya..
    atty.sanapo ay matugunan ninyo ang aking mga katanungan hirap n hirap npo ang kaloban ko sa gngwa nila skin..atnaawa dn po kc ao sa aswa ko kahit lam kong ngkamali dn sya..
    lubos n gumagalang
    ghen ng olongapo city

  3. ANDY said

    am January 28 2009 @ 5:02 pm

    dear atty

    mgandang araw po sa inyo ttanong ko ln g po kng dapat ko po bang hindi n bgyan ng pinansyal ang aking aswa dahil po ngkaanak n ito sa ibang aki kahit po my anak dn kmi?? ang skin po kic ay,bka gmitin lng ito ng knyang kinksama at g knilng anak?/
    ano po b ang mari Kong gawin sa sitwasyong ito mtulungan po sana nyo ako..

    gumagalang.
    andy

  4. aida casaba said

    am January 29 2009 @ 10:28 am

    no comments

  5. fauline lim said

    am January 29 2009 @ 10:36 am

    magandang araw po atty. puede ba kami magtanong ukol sa aming situasyon, dahil po mayrong po kaming lupa na natitira pero sa totoo eguin prenda po ng aming nanay sapagkat namatay po ang aming tatay.
    sa katunayan po, ang naprindahan ay gusto na posisyonan na wala naman kami quit claim na pinayagan namin na ecolateral ang kanilang conjugal property ng aming kamag anak.
    ano po ba ang dapat namin gawin? valid ang kanilang kontrata? saan naman ang amin share bilang isang legitimate heirs?
    salamat po sa iyong tolong! GOD BLESS1

  6. lian yong said

    am May 12 2009 @ 9:16 pm

    12yrs n po akong widow, may 2 anak n la2ke, 22yrs old ung oldest at 21 nmn po ung yongest. ang problema ko po ay un lupang ma2nahin ng yumao kong asawa n 1hec pinangakong ibigay s mga anak ko hanggang ngayon po ay d p ibinibgay s amin ung titulo. dati pong cnasaka ng bayaw ko pero wl nman pong binibgay n parte nmin. at ung buhay p po ung asawa ko pnangako ng father inlaws ko n 3(including my husband) clang maghati hati sa bhay at lupa pro ang nangyri po ung nmtay n ung inlaws ko npunta sa ibang kptid ng yumao
    kong asawa.atty ano po ang dpt nmin gawin ng mga anak ko

    gumagalang
    lian

Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment: